Morpolohiya. Makaagham na pag-aaral ng mga morpema o makabuluhang yunit ng mga salita.
morpema. Pinakamaliit na yunit ng isang salita na may angking
kahulugan. May tatlong uri ng morpema:
Kung nagbabago ang kahulugan (kasarian) dahil sa pagdagdag ng ponemang /a/ o kontradiksyon ng /o/ sa /a/, ang /a/ o /o/ ay itinuturing na ponema.
Halimbawa: Gobernador - Gobernadora
Konsehal - Konsehala
2. Morpemang Salitang-Ugat. Payak na anyo ng isang salita at wala itong panlapi
Halimbawa: indak sulat sipag
sayaw ganda
bata
3. Morpemang Panlapi. Uri ng morpema na idinurugtong sa salitang-ugat na maaring
makapagpabago g kahulugan ng salita. Kilala rin ang morpemang panlapi bilang
di-malayang morpema.
· Nagtataglay ng sariling kahulugan. maaring ikabit sa mga pangngalan-panlaping
makangalan;
· sa pandiwa- panlaping makadiwa at sa pang-uri ay tinatawag
itong panlaping makauri.
· Bagamat’t may kahulugan, hindi makikita ang tiyak na taglay na kahulugan hangga’t
hindi naisasama sa isang salita.
Kayarian ng mga Salita
1. PAYAK - ang salita ay payak kung ito ay salitang- ugat lamang, walang panlapi at walang
katambal na ibang salita.
Halimbawa: ina bata anak ama kapatid sulat
2. Maylapi - sa pagkakapit ng iba’t ibang uri ng panlapi sa isang salitang-ugat, nakabubuo ng
iba’t ibang salita na may kani- kaniyang kahulugan (Ampil,Mendoza& Breva, 2010)
Ang salita ay binubuo ng salitang-ugat at mga panlapi. Ang mga panlapi ay mga katagang idinaragdag sa unahan, sa gitna, o sa hulihan ng mga salitang-ugat.
May
ibat’ibang uri ng mga panlapi: Unlapi, Gitlapi at Hulapi
Halimbawa:
1.
Ma- + tubig = matubig (maraming tubig)
Pa- + tubig = patubig (padaloy ng tubig)
2. Tubig + -an = tubigan (lagyan ng tubig)
Tubig + -in = tubigin
(pinarusahan sa tubig)
Lakad + -um- = lumalakad
Sagot + -in- = Sinagot
3. Inuulit - Inuulit ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito - may dalawang uri, ang “pag-uulit na: Ganap at Di-ganap
a)
Pag-uulit na Ganap -
inuulit ang salitang-ugat
Hal. taon = taon- taon
bahay=bahay-bahay
araw=
araw-araw
b) Pag-uulit na Parsyal o Di-ganap - kapag ang bahagi lamang ng salitang-ugat ang
inuulit.
Hal. usok= uusok
balita=bali-balita
tahimik=tahi-tahimik
c) Magkahalong Parsyal at Ganap - kapag ito ay nilalapian at inuulit nang buo ang
salitang-ugat.
Hal.
Sigla= masigla-sigla
Saya=
masaya-saya
4. Tambalan - dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita. May dalawang uri
ng tambalan: ang tambalang ganap at di-ganap
Halimbawa:
a.Tambalang Di-ganap - Nananatili
ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal:
bahay-kubo
→ bahay = tirahan ng tao
→ kubo
= maliit na bahay
b. Tambalang Ganap - ang dalawang salitang pinagtambal ay nakabubuo ng ikatlong
kahulugang iba kaysa isinasaad ng mga salitang pinagsama.
basag + ulo
→ basagulo `altercation’,
`quarrel’
hampas
+ lupa → hampaslupa `vagabond’, `bum’
Morpemang Leksikal - May tiyak na kahulugan at kabilang dito ang mga pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri at pang- abay.
Morpemang Pangkayarian- Walang tiyak na kahulugan at kailangang makita sa isang kayarian o konteksto ang mga ito upang magkaroon ng kahulugan.
Halimbawa • Naghihintay nang pagkatagal-tagal si Pedro sa kanyang mga kaklase.
– Ang nang, si, sa at mga ay walang tiyak na kahulugan subalit ito ay nag-uugnay sa mga morpemang leksikal na Pedro, kaklase, naghihintay at pagkatagal-tagal upang magkaroon ng kahulugan ang pangungusap.
Halimabawa • Naghihintay nang pagkatagal-tagal ang mga kaklase ni Pedro. –
Nagbago ang kahulugan ng pangungusap. Sa unang pangungusap, Si Pedro ang naperwisyo samantalang sa pangalawang pangungusap, ang kanyang mga kaklase ang naperwisyo.
BAHAGI NG PANANALITA
Ang tinaguriang “Ama ng Balarilang Tagalog” na si Lope K. Santos na bumuo ng aklat na Balarila ng Wikang Pambansa (1939;1944) na kilala rin sa tawag na Balarilang Tagalog at Matandang Balarila ay may sampung bahagi ng pananalita. Ang mga ito ay pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pantukoy, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop at pandamdam. Nasimulan itong ituro sa mga paaralan sa Pilipinas noong 1940 matapos maipahayag ng dating Pang. Manuel Quezon ang Tagalog bilang siyang saligan ng wikang pambansa.
Sa aklat naman na Makabagong Balarilang Filipino (1977;2003) nina Alfonso O. Santiago at Norma G. Tiangco. Sa aklat na ito'y napapangkat ang may sampung bahagi ng pananalita sa ganitong pamamaraan:
I. Mga Salitang Pangnilalaman (Content Word)
A. Mga Nominal
1. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari, atbp.
2. Panghalip (pronoun) - mga salitáng pánghalilà sa pangngalan.
B. Salitang Kilos
3. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita.
B. Mga Panuring (Modifier)
4. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip
5. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa
nito pang-abay
II. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)
A. Mga Pang-ugnay (Connectives)
6. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay
7. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan
8. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang
salita
B. Mga Pananda (Markers)
9. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip.
10. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang nagkakawing ng paksa
(o simuno) at panaguri.
Ang Pandamdam (interjection; mga salitang nagsasaad ng matinding damdamin) ay hindi na isinama sapagkat ayon sa mga may-akda ng Makabagong Balarila ay maaaring magamit bilang pandamdam ang kahit anong salita kung bibigkasin nga ng may matinding damdamin.
Ang Balarilang Ingles ay may walong tradisyunal na bahagi ng pananalita bagama't higit pa itong nahahati sa iba't ibang kaurian sang-ayon na rin sa mga pag-aaral ng mga kasalukuyang lingguwistiko. Ang mga ito ay ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pangatnig, pang-ukol at pandamdam.
PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO. Anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng katabing ponemang (panlapi). Ang mga nakaiimpluwensyang ponema ay maaring yaong sinusundan ng morpema o yaong sumusunod dito. Halimbawa : [pang-] + paaralan = pampaaralan
ALOMORP ng Morpema. Puwedeng magbago ng anyo ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng kaligiran at ito’y tinatawag na alomorph.
· Ang morpemang [pang-] ay may tatlong alomorph: [pang-], [pam-] at [pan-].
May sariling distribusyon ang bawat alomorph.
· Ginagamit ang alomorph na [pang-] (walang pagbabago sa anyo) kung ang inuunlapiang salita ay nagsisimula sa mga patinig o sa katinig, maliban sa /b/ o /p/ na para [pam-], at /d, l, r, s. t/ para sa [pan-]:
[pang-] + a, e, i, o, u, k, g, h, m, n, w at y
pangwalis
pangkasal
pang-alis
[pam-]+p/b
pampito
pambansa
· Tulad ng [pang-], ang panlaping [mang-] ay may mga alomorph ding [mang-], [mam-] at [man-] gayundin ang [sing-]:
mambola manghabol manlalaro mamula mang-akit mandaya
simbilis singyaman sinlaki simputi sing-alat
1. ASIMILASYON • Sakop ng uring ito ang mga pagbabagong nagaganap sa /ng/ sa posisyong
pinal dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito.
Uri ng Asimilasyon:
Halimbawa: pang + bansa = pambansa
sing + bait = simbait
mang + batas = mambabatas
ASIMILASYONG GANAP – Pagbabago ng kapwa panlapi at salitang ugat.
Halimbawa: mang- + tahi = mantahi = manahi
pang- + palo = pampalo = pamalo
pang- + takot = pantakot = panakot
2. MAYPALIT. Kapag ang (d) ay nasa pagitan ng dalawang patinig kaya ito'y pinapalitan ng
ponemang r.
/d/> /r/
/h/>/n/
/o/>/u/
Halimbawa: ma- + damot = madamot = maramot
ma- + dunong = madunong = marunong
3. METATESIS • pagpapalit ng posisiyon ng panlaping /-in / kapag ang kasunod na ponema ay
ang mga ponemang (l,y,r)
Halimbawa: -in- + regalo + -han = rinegaluhan = niregaluhan
-in- + lipad = linipad =nilipad
-in- + yakap= yinakap =niyakap
4. PAGLILIPAT-DIIN • kapag ang salitang-ugat ay nilalagyan ng panlapi,
ito ay nagbabago. Nalilipat ang diin.
Halimbawa: laro + -an = laruan
dugo + -an = duguan
5. MAYKALTAS • mayroong pagkakaltas o pagtatangal ng ponema.
Halimbawa: takip + -an = takipan = takpan
sara + -han = sarahan = sarhan
laba+ -han = labahan = labhan
dala+ -hin = dalahin =dalhin
alaala+ han> alaalahan + in = alalahanin
Hal. tingnan+ mo = ta’mo
hintay + ka = tayka = ‘teka