SINTAKS

SINTAKTIKA



SINTAKS. Lipon ng mga tuntunin ng pagbubuo at pagsasaayos ng mga salita sa loob ng pangungusap.

PARIRALA. Lipon ng salita na walang simuno at panaguri na ginagamit ito bilang isang bahagi ng pangungusap.
Halimbawa:  sa buong Pilipinas 
                             Ang bagong silang

MGA URI NG PARIRALA:

1. Pariralang Karaniwan- Binubuo ng panuring at pangngalan.
      Hal.  Ang buong bansa ay sakop ng panibagong patakaran.

2. Pariralang Pang-ukol- Binubuo ng pang-ukol at ang layon nito. pinangungunahan ng mga pang-
ukol na na, sa, ng, para kay/sa, alinsunod kay/sa , hinggil sa/kay at layon na maaaring pangngalan o
panghalip.
Hal. Binili niya ang lupa para sa mamamayan.

3. Pariralang Pawatas- Pagsasama ng pawatas na anyo ng pandiwa at ng layon nito.
Hal. Ang magsulat ng sanaysay ay nakakaubos ng oras.

4. Parirala sa iba't ibang Anyo ng Pandiwa- Binubuo ng pandiwa na nasa iba't ibang panauhan at
layon.
Hal. Ang nakikinabang sa biyaya ng Diyos ay ang mga tapat na tao.

5. Parirala sa Pangngalang Pandiwa- Pagsasama ng panlaping (PAG + SALITANG-UGAT +...)
      Hal. Ang pagluluto ng ulam ay masayang gawain.

                                          PAGUULIT NG UNANG PANTIG NG SALITANG UGAT + LAYON NITO.
Pandiwa                                          Pinaghanguan                                 Pangngalan-diwa
                        Naglaba                                               maglaba                                           paglalaba
                        Nagbungkal                                       magbungkal                                   pagbubungkal

6. Pariralang Pandiwa- Pagsasama ng panlaping NAKA + SALITANG-UGAT + LAYON NITO O
         KAYA PAGSASAMA NG PANTUKOY NA ANG + PANGNGALANG DIWA + LAYON.

Hal. Ang nakaupo sa dulo ng sasakyan ay ang pinakaunang pasahero

7. Pariralang Pang-uri- Binubuo ng pang-uri + pangngalan
Hal. Ang matalim na paningin ni Rosa

8.Pariralang Pang-abay-Ito ay binubuo ng pandiwa + pang-abay
Hal. Patalikod na paglalakad.
Ang bata ay nakagalitan dahil sa kadaldalan.

SUGNAY

SUGNAY. Lipon ng mga salitang may paksa at panaguri. Maaaring buo o di-buo ang diwang ipinapahayag. Ito ay bahagi lamang ng pangungusap

Mga Uri ng Sugnay:

Sugnay na makapag-iisa. binubuo ng mga salita na may simuno at panaguri na nagsasaad ng ganap na kaisipan at nakakatayo nang mag-isa, samakatuwid, ito ay tinatawag ding pangungusap. Nagpapahayag ito ng diwa. Puno o malayang sugnay ito.

Sugnay na Di-makapag-iisa. pangkat ng mga salita na binubuo ng simuno at panaguri ngunit ito ay hindi nagsasaad ng ganap na kaisipan at samakatuwid, hindi nakakatayo nang mag-isa. Hindi nagpapahayag ng buong diwa. Katulong o di-malayang sugnay ito. Maari ding gamiting pangngalan, pang-abay o pang-uri sa pangungusap.


Mga Uri ng Sugnay na Di-makapag-iisa:

1. Sugnay na Pang-abay - nagbibigay kaalaman kung ano ang nagyayari sa Sugnay na Nakapag-iisa. Sumasagot sa tanong na kailan (Pang-abay na pamanahon)
Hal. Pagkatapos ng palabas, mamasyal tayo sa Luneta.
        Pag marami ng naipon si Armie, pwede na siyang mag-enroll.

2. Ang Sugnay na Pang-uri - gumagamit ng pangkat ng mga salitang pang-uri. naglalarawan sa simuno o pangngalan.
Hal. Ang aking kapatid, na magaling na Doktor, ay napakabait sa mahihirap

3. Ang Sugnay na Pangngalan - pangkat ng mga salita na nagsisilbing pangngalan sa pangungusap. Tumutukoy sa gawa o pangyayari.
Hal. Ang kaibigan ko, na isang karpentero, ay tumulong sa paggawa ng nasirang bubong namin.

Ang sugnay na makapag-iisa ay may simuno ay panaguri na may buong diwa na nasa loob g isang tambalan, hugnayan, langkapan na pangungusap.



POKUS NG PANDIWA

Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. 
Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.

Mga Uri ng Pokus ng Pandiwa:
1. Pokus sa Tagaganap / Aktor. ang paksa ng pangungusap ay ang tagaganap ng kilos na 
     isinasaad ng pandiwa. Mga pangunahing panlaping ginagamit:   - mag – , mang - • um –  •         
     maka –• makapag –
Hal. Nagtanim ng halaman si Mang Tasyo. Mangunguha ng bayabas si Totski.
Umigib ng tubig ang bata.

2. Pokus sa Layon / Gol . ang layon  ang paksa o binibigyang-diin sa pangungusap.  Mga 
     pangunahing panlaping ginagamit:    • i– • -- an   • ipa –    • -- in
Hal.  Iniluto ng nanay ang karne. Hinugasan niya ang pinggan.
Nakuha namin ang premyo. Ipinatapon ni erto ang dumi.
Dinilig ko ang halaman.

3. Pokus sa Ganapan / Lokatib/ ang paksa ay lugar o ganapang kilos. Mga pangunahing 
    panlaping ginagamit:  
-an/-han pag -- ...— an/han mapag --...— an/han pang --...—an/han
Hal. Pinaglutuan ng nanay ang palayok. Napaglabahan ni Ate ng damit ang batis.
Pinangisdaan niya ang sapa.

4. Pokus sa Tagatanggap / Benepaktib. ang pinaglalaaanan ng kilos ang siyang simuno o 
    paksa ng pangungusap.  Mga pangunahing panlaping ginagamit:  • i–, • ipang –,  • ipag –, 
Hal. Ikuha natin  ng bulaklak ang lola. Ipanahi mo si Elsa ng damit.
Ipagluto ninyo ang nanay  ng sopas

5. Pokus sa Gamit / Instrumento.  ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa 
     ang kilos ng pandiwa ang siya simuno o paksa ng pangungusap. Pangunahing panlaping 
     ginagamit:  • Ipang –
Hal.    Ipantali/Ipanali mo ang  straw.        Ipampunas/Ipamunas mo ang basahan.

6. Pokus sa Direksyon. ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa. 
    Pangunahing panpaling ginagamit: • -- an • -- han
Hal. Pinuntahan nila ang Crocodile Farm. Pinagbakasyunan nila ang Baguio.

7. Pokus sa Sanhi / Kusatib. ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos
     Mga pangunahing panlaping ginagamit:  • i– • ika – • ikapang –
Hal. Iniluha niya ang pagkawala ng kwintas. Ikinatuwa ni Pia ang pagkakita sa ina.
Ikapamayat niya ang pagkakasakit.






No comments:

Post a Comment

WIKA

Ano ang Wika? Bakit mahalaga ang wika? Ano-ano ang katangian at kalikasan ng wika? Paano nagkaroon ng wika? Ayon kay Henry Gleason (1989...