Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Saligang Batas ng Biak-na-Bato (1896).
Ang wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.

Saligang Batas ng 1935, Artikulo XIII, Seksyon 3.
"Ang Pambansang Asemblea ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang komong wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika, Hangga't hindi ipinag-utos ng batas, mananatili ang Ingles at Kastila bilang mga opisyal na wika."

Saligang Batas ng 1935,  Artikulo XIV, Seksyon 3
Pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa batay sa mga umiiral na katutubong wika.

Batas Komonwelt Big. 184 (1936). 
Naglalayong bumuo ng samahang pangwikang tutupad sa hinihingi ng Konstitusyon, ang naging unang pinuno nito ay si Jaime C. De Veyra. Inaprubahan ng Kongreso na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP)  na naatasang gumawa ng pag-aatal ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng Wikang Pambansa.

Kautusang Tagapagpaganap Big. 134 (1937).
Sa pamamagitan ng Kautusang ito ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.

Kautusang Tagapagpaganap Big. 263 (1940).
Nabuong ganap ni Lope K. Santos (Arna ng Bala'rilang Tagalog) ang talatinigang may pamagat na "A Tagalog-English Dictionary" at "Ang Balarila ng Wikang Pambansa." Paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang Wikang Pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.

Kautusang Pangkagawaran Blg.1
Iniutos ng kalihim ng Pampublikong Instruksyon, Jorge Bocobo na ituro sa lahat ng paaralan ang pambansang wika na base sa Tagalog, taong panuruan 1940-1941.

Kautusang Pangkagawaran Big. 25 (1940)
Pagtuturo ng Wikang Pambansa sinisimulan sa mataas at normal na paaralan

Batas Komonwelt Big. 570 (1940)
Pinagtibay ng Batas Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.

Order Militar Big. 13.
Ibinaba noong panahon ng pananakop ng Hapon, ginawang opisyal na mga wika ng Pilipinas ang wikang Hapon at Tagalog 

Batas ng Komonwelt Big. 570 (Hulyo 4, 1946)
Ang wikang pambansaay tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay maging isa nang wikang opisyal ng Pilipinas.

Proklama Big. 186 (1954).
Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mulasa Marso 29-Abril 4.

Proklama Big. 12 (Marso 26, 1954).
Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang pagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika, simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 at Araw ni Balagtas tuwing Abril 2. na kanya ring kaarawan ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa.
Proklama Big. 186 ( Set. 23, 1955).
Nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang su sog sa Proklama bilang 12 na inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pamb<l?sa taun-taon sirnula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto bilang paggalang sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, "Arna ng Wikang Pambansa".

Kautusang Pangkagawaran Big. 7 (1959).
Sa pamamahala ng Kalihim ng Edukasyon Jose B. Romero, ipinatupad ang agtawag sa wikang pambansa na Pilipino bilang pamalit sa mahabang itinawag ng Batas Komonwelt Blg. 570.

Kautusang Pangkagawaran Big. 24 (Nob. 14, 1962).
Ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos simula sa taong-aralan 1963- 964 ay ipalilimbag na o may salin sa wikang Pilipino.

Kautusang Tagapagpaganap Big. 96 (Okt. 24, 1967). Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.

Memorandum Sirkular Big. 172 (1968).
Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na
ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.

Memorandum Sirkular Big. 199 (1968).
Itinatagubilin ang pagdalo sa seminar sa Filipino ng mgakawani ng pamahalaan. Ang seminar ay idaraos ng Suriqn ng Wikang Pambansa sa iba't ibang purok linggwistika ng kapuluan.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (1969).
Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalan na gamitin ang wikang Fillipino hanga't maari sa Linggo ng Wikang pambansa at pagkaraan man nito sa lahat ng opisyaf na komunikasyon at transaksyon.
Memorandum Sirkular Blg. 384 (1969).
Pinalabas ni Kalihim tagapagpaganap Alejandro Melchor na nagtatalaga ng mga may kakayahang tauhan upang mamahala ng lahat ng komunikasyon sa Filipino sa lahat ng kagawan, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng, pamahalaan kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 (1971).
Nilagdaan ng Pangulong Marcos na nagpapanauli sa dating kayarian ng Surian ng wikang pambansa at nililiwanag ang mga kapangyarihan at tungkulin nito.
Memorandum Sirkular Blg. 448 (1971).
Tinakda ni Pangulong Marcos ang Pambansang Linggo ng Wika ay Agosto 13 hanggang 19 kada taon.
Atas ng Pangulo blg. 73. (1972).
Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-aatas sa Surian ngWikang Pambansa na isalin ang Saligang Batas sa mga wikang sinasalita ng may limampung libong (50,.000) mamamayan.
Saligang Batas ng 1973 Artikulo XIV, Seksyon 3.
Ang Pambansang Asamblea ay gagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino. Hangga't hindi nagpapatibay ang batas ng naiiba, ang Ingles at Pilipino ang siyang wikang opisyal.

Artikulo XV, Seksyon 3 (1973).
Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula 'sa antas eleme,ntarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974- 1975.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (Hulyo 10, 1974).
Itinakda ang mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal sa mga paaralan na nagsimula sa taong panuruan 1974-75. Ang patakarang ito ay nag-uutos ng magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo ng mga .tiyak na asignatura sa primarya,'' elementarya at sekundarya. Nilagdaan ito ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran Edukasyon at Kultura.

Memorandum Pangkagawaran Big. 194 (1976).
Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na itinatagubilin sa mga guro ang mga ong tuntunin sa ortogapiyang Pilipino. ·

Memorandum ng MECS Big; 203 (1978).
Accelerating the Attainment of the Goals of Bilinggual Education.

Kautusang Pangkagawaran Big. 203 (1978).
Paggamit ng katagang "Filipino" sa pagtukoy sa wikang Pambansang Pilipinas.

Proklama Big. 19 (1986).
Nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 na kumikilala sa Wikang Pambansa na gumawa ng napakahala gang papel sa himagsikang pinasiklab ng kapangyarihang-bayan na nagl;ninsod sa bagong pamahalaan. lpinahayag niya na taun-taon ang panahong Agosto 13 hanggang 19, araw ng pagsilang ng dating Pangulong Manuel L. Quezon, itinuturing Arna ng Wikang Pambansa, ay Linggo ngWikang Pambansang Pilipino na dapat ipagdiwang ng lahat ng mga mamamayan sa buong bansa.

Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6.
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito'y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7.
Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga't walang ibang itinatadhana ang batas,·Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga .wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon.

Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 8.
Ang Konstitusyon ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at
dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.

Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 9.
Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa ng binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ·ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika.

Kautusang Pangkagawaran Blg.52, (1987)"
Isinaad ang pagbabago sa Patakarang Edukasyong Bilinggwal nang ganito... Ang patakarang Bilinggwal ay naglalayong makapagtamo ng kahusayan sa Filipino at Ingles sa antas pambansa, sa pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wikang ito bilang mga midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas.

Kautusang Pangkagawaran Big. 54 (1987)
Panuntunan ng Imple­ mentasyon ng Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987

Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 (1987).
Ipinalabas ni Kalihim Lourdes R. Quisimbing ang atas ukol sa "·Ang Alpabeto at Patnubay sa lspeling ng Wikang Filipino", kalakip ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 (Enero, 1987).
Nilagdaan ng Pangulong Aquino ang paglikha ng Linangan ng mga .Wika sa Pilipinas (LWP) bilang pamalit sa dating SWP at makatugon sa panibagong iniatas na gawain nitong patuloy na pagsasaliksik at pagpapaunlad ng wikang pambansa. · ·

KautusangTagapagp aganap Blg. 335 (1988).
lpinalabas at nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na nagtadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayundin, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura.

Batas Republika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991).
Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), bilang pagsunod sa itinatadhana ng Saligang Batas ng 1987, Seksiyon 9. Ito rin ay pamalit sa dating SWP at LWP.

Kapasyahan Blg. 1-95 (1995).
Nilagdaan ng Tagapangulo Ponciano B.P. Pineda et al., kapasyahang humihiling sa Technical Panel on Humanities, Social Sciences and Communication Education ng HED, na muling isaalang-alang, at rebisahin ang itinakdang academic units para sa Wikang Filipino sa General Education Curriculum.

Memorandum ng CHEd Blg. 59 (1996).
Pinalabas ng CHED Memorandum Blg. 59na nagtatadhana ng siyam (9) na· yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at pagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng
mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalatasan), Filipino 2 (Pagbasa sa Pagsulat sa lba't ibang Disiplina) at Filipino 3 (retorika)
Proklamasyon Blg. 1041 (1997).
Nagpapahayag ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto 1-31bilang Buwan ng Wika ng Pambansa na nilagdaan nina Pangulong Fidel V. Ramos at Kalihim Tagapagpaganap Ruben D. Torres.

Kautusang Pangkagawaran 2001. Tungo sa mabilis na estandardisasyon at intelektwalisasyon ng Wikang Filipino, ipinalabas ng Komisyon ng Wikang Filipino ang 2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.
Kautusang Pangkagawaran 2006.
Sa okasyon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Filipino, Ipinagbibigay alam ng Komisyon sa Wikang Filipino ang pagsuspide sa 2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino at samantalang nagsasagawa ng mga pananaliksik, pag-aaral, konsultasyon at hangga't walang nababalangkas na mga bagong tuntunin sa pagbabaybay, magsisilbing tuntunin ang Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng taong 1987.
Kagawaran ng Edukasyon-Ordinansa Blg. 74 (2009).
Isinainstitusyon ang gamit ng Inang Wika sa Elementarya o Multilingual Language Education (MLE). (Nauna rito, may inilahad nang bersyon .ang ikalabing-apat na Kongreso ng Mababang Kapuhingan na House Bill No. 3719-An Act Establishing a Multi-Lingual Education and Literacy Program and for other Purposes sa pamamagitan ni Hon. Magtanggol T. Gunigundo.) ·
Kautusang Pangkagawaran 2009.
Ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pamamagitan ng kanilang Sangay ng Lingguwistika ang Gabay sa Ortograpiyari.g Filipino. Tuluyan ng isinantabi ang 2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipin0 ng taong 1987, bagamat ano mang tuntunin ng 1987 at 2001 na hindi binago sa 2009 Gabay ay mananatiling ipatutupad.
Ang Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010-FILIPINO (2010 SEC). (UbD). Layunin ng pagbabagong ito na magkaroon ng estandardisasyn sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng mga sabjek sa Filipino upang maipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo at kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang literari gami.t ang mga tekstong literaring rehiyunal, pambalisa, . saling-tekstong Asyano at pandaigdig tungo sa pagtatamo ng kulturciJ na literasi
Kautusang Pangkagawaran Blg. 34 (2013).
Ang Komisyon sa weikang Filipino ay masusing pinag-aralan ang mga nagdaang ortogi;apiyang Filipino na kasalukuyang ipinatutupad sa mga paaralan.


Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahan ang website page na ito:
Paglingon sa Ugat ng Komisyon sa Wikang Filipino
ni Dir. Hen. Roberto T. AƱonuevo
https://kwf.gov.ph/kasaysayan-at-mandato/

Graphics Credit to
https://www.facebook.com/pvinta/photos/ngayongarawsakasaysayanipinanganak-ang-ama-ng-pambansang-wika-at-balarila-si-lop/2004755463105050/
https://www.canva.com/

No comments:

Post a Comment

WIKA

Ano ang Wika? Bakit mahalaga ang wika? Ano-ano ang katangian at kalikasan ng wika? Paano nagkaroon ng wika? Ayon kay Henry Gleason (1989...