Ano ang Wika?
Bakit mahalaga ang wika?
Ano-ano ang katangian at kalikasan ng wika?
Paano nagkaroon ng wika?
Ayon kay Henry Gleason (1989), ang wika ay isang sistematikong balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrary upang magamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura.Ang pag-aaral ng wikang Filipino ay binubuo ng dalawang kakayahan :
• Linguistic Competence (kakayahang linggwistika) makabuo ng mga pahayag o pangungusap na may wastong kayariang pambalarila.
• Communicative Competence ( kakayahang komunikatibo) maunawaan at magamit ang mga pangungusap na may wastong pambalarilang kayarian sa angkop na panlipunang kapaligiran ayon sa hinihingi ng sitwasyon.
Bakit mahalaga ang Wika?
Mahalaga ang wika sapagkat:
- ito ay instrumento ng komunikasyon;
- ito ay nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman;
- ito ay nagbubuklod ng bansa;
- ito ay lumilinang ng malikhaing pag-iisip.
Ano-ano ang katangian at kalikasan ng wika?
- May dalawang masistemang balangkas ang wika: balangkas ng tunog at balangkas ng kahulugan.
- Ang wika ay arbitraryo.
- Ang wika ay sinasalitang tunog.
- Ang wika ay pantao.
- Ang wika ay buhay at dinamiko.
- Ang wika ay natatangi o unique.
- Ang wika ay malikhain.
- Ang wika ay para sa komunikasyon.
- Ang wika ay isang penomenong panlipunan.
- Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura ng taong gumagamit nito.
Paano nagkaroon ng wika? Saan ito nagmula?
Narito ang mga teorya ukol sa pinagmulan ng wika.
Sanggunian:
Belvez, Paz M., et.al (1990). Gamiting Filipino pagbasa at komposisyon : aklat para sa Filipino 1. Manila: Rex
Narito ang mga teorya ukol sa pinagmulan ng wika.
- TORE NG BABEL (Genesis Kab. 11:1-8)- Iisa lang ang wika noong unang panahon (Aramian) kaya't madali ang pakikipagtalastasan. Naghangad sila na maabot ang langit kaya nagtayo ng pagkataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao kaya pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan at ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na nagkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita.
- BOW-WOW. Ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.
- DING-DONG. Panggagaya ng tao sa mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid na gawa ng tao at kalikasan.
- POOH-POOH. Nalilikha bunga ng masidhing damdamin gaya ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.
- YO-HE-HO. Natutong magsalita ang tao bunga ng pwersang pisikal.
- TA-RA-RA-BOOM-DE-AY. Nag-ugat sa mga tunog na nalilikha ng mga tao sa kanilang mga ritwal na nilapatan ng kahulugan.
- TA-TA. Ang wika ay nagmula sa panggagaya ng dila sa ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon.
- YUM-YUM. Nakausal ang tao ng tunog sanhi ng pagkagutom o pagkalam ng sikmura.
Sanggunian:
Belvez, Paz M., et.al (1990). Gamiting Filipino pagbasa at komposisyon : aklat para sa Filipino 1. Manila: Rex
Book Store, Inc.
Uiit, Enriqueta C., et. al. (199). Teaching the Elementary School Subjects: Content and Strategies in Teaching
Uiit, Enriqueta C., et. al. (199). Teaching the Elementary School Subjects: Content and Strategies in Teaching
the Basic Elementary School Subjects. Manila: Rex Book Store, Inc.
No comments:
Post a Comment