PONOLOHIYA

Pag-aaral ng Tunog

Ano ang Ponolohiya?
Ano ang Ponema?
Paano ang pagbigkas ng Patinig?
Paano ang pagbigkas ng Katinig?
Mga Salik sa Pagbigkas
Diptonggo
Klaster
Pares Minimal
Ponemang Malayang Nagpapalitan
Ponemang Suprasegmental
Tono
Diin
Haba
Punto
Hinto
Alpabetong Filipino


PONOLOHIYA O PALATUNUGAN

Pag-aaral ng mga makahulugang tunog na ginagamit sa pagbuo ng mga salita sa isang partikular na wika. Kasangkot dito ang pag-aaral ng mga ponema (phoneme), pagtaas-pagbaba ng mga tinig (pitch), diin (stress),  pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening) at hinto (juncture), 

PONEMA

Pinakamaliit na yunit ng tunog.  Sa wikang Filipino, dalawampu't isa (21) ang ponema. Bawat ponema ay katapat ng isang titik sa ating alpabetong abakada, maliban sa ponemang impit (glotal) na may tumbas na panandang /?/ bilang representasyon.  

Dalawa ang uri ng ponema: ang segmental at ang suprasegmental.

PONEMANG SEGMENTAL
Ang Filipino ay may 21 ponema na binubuo ng: 16 ang katinig, 5 ang patinig.  
Mga Patinig:     i, e, a, o, u
Mga Katinig:     b, d, g. h. k, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y, z

8 Hiram na mga titik:  c, f, j, ñ, q, v, x, z

Makabuluhan ang isang tunog kung nag-iba ang kahulugan ng salitang kinasasamahan nito kapag ito’y alisin o palitan.
Halimbawa:
 [labas `out’: inalis ang /s/ → laba `wash’; pinalitan ang /s/ ng /n/ → laban `fight’].
Ang /s/ ay isang makabuluhang tunog at ito’y tinatawag na ponemang segmental o ponema.
        

PATINIG

Matutukoy sa kung aling bahagi ng dila ang gumaganap sa pagbigkas ng isang patinig.




KATINIG

Punto at Paraan ng Artikulasyon

Pagpapaliwanag ng  punto ng artikulasyon ng mga katinig:

                / p, b, m/. Panlabi – dumidiit ang ibabang labi sa labing itaas …
/ t, d, n /. Pangngipin – dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas ang dulo ng dila …
/ f, v /. Panlabi-Pangngipin – dumidiit ang ibabang labi sa mga itaas na ngipin …
/ s, z, l, r /.  Panggilagid ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid …
/ y /.  Palatal – lumalapit o dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong-dila 
/ k, g, ŋ, w/. Velar – dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng 
                          punong-         dila …
/j/.   Panlalamunan – ang likurang bahagi ng dila ay dumidiit sa lalamunan …
/?,h/.  Glottal – lumalapit o dumidiit ang mga babagtingang pantinig at hinaharang ang presyon                                 ng papalabas na hiningang galing sa baga at pagkatapos ay pakakawalan upang                               bumuo ng  paimpit o pasutsot na tunog… 


TATLONG SALIK SA PAGSASALITA
  1. Enerhiya  (Energy). Nilikhang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga.
  2. Artikulador (Articulator). Nagpapakatal sa mga babagtinga ng pantinig.
  3. Resonador (Resonator). Nagmomodipika ng tunog. Ang bibig at guwang ng ilong ang itinuturing na resonador.


Prinsipal na Sangkap ng Pananalita

DIPTONGGO

Alinmang pagsasama ng isang patinig na sinusundan ng malapitinig na /w/ o /y/ sa loob ng isang pantig. Ang mga diptonggo sa Filipino: -aw, -iw, -ay, -ey, -iy, -0y, -uy      
1.  
(-aw)     ba-yaw 
2.  (-iw)     giliw
3.   (-ay)     bahay 
4.   (-ey)     ale’y 
5.   (-iy)      kami’y        
6.   (-oy)     langoy        
7.    (-uy)    aruy

Tandaan, kapag ang /w/ o /y/ ay nasa gitna ng dalawang patinig ito ay napasasama na sa sumusunod na patinig kaya’t hindi na maituturing na diptonggo.
Halimbawa:kalipayan    
         
Ang ay sa kalipayan ay hindi na maituturing na diptonggo sapagkat ang “ay” nakapagitan na sa dalawang patinig.  Ang pagpapantig sa “kalipayan" ay: /ka-li-pa-yan/ at hindi /ka-li-pay-an/

KLASTER O KAMBAL KATINIG

Magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang patinig. Ang klaster ay maaaring matagpuan sa unahan o inisyal, gitna at sa hulihan o pinal na pusisyon ng salita.

Klaster sa unahan ng salita:

braso, brilyante, bruha, Brazil, blusa, kwaderno, kwarto, kwadra, kwento, kwitis
grasa, gramo, grupo, globo, gripo, planeta, plano, plebisito, pluma, pluta, prutas,                                                       
preno, presyo, pluma, tren, trambya, trumpeta, trumpo

Klaster sa gitna ng salita:

kontrata, kontrabida, kongreso konstruksyon, kumpleto,
eskwela, eskriba, makrema, plantsa, sakripisyo, sobre

Klaster sa hulihan ng salita:
kard, planelbord, iskawt, nars, plaslayt, blakawt, beysment, kyuteks, klerk, tsart



PARES MINIMAL

Pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad namagkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon.

Hal. pala–bala 
        pana –mana 
        patas- batas

PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN

Magkaibang ponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nagpapabago sa kahulugan ng mga salita.     
Halimbawa:    
     lalaki - lalake          
     noon – nuon
     politika - pulitika
     totoo – tutoo          
      

PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Tumutukoy ang mga ponemang suprasegmental sa mga makahulugang yunit ng tunog na karaniwang di tinutumbasan ng titik o letra sa pagsulat. Kabilang sa mga ponemang suprasegmental angg tono (pitch), haba (length), diin (stress), at antala (juncture).

TONO (PITCH)

Paraan ng pagbigkas na maaaring malambing, pagalit, mabilis na parang nagmamada li, mahina at iba pa. Naiiba-iba ang tono o pagtaas at pagbaba ng tinig sa wikang Filipino batay sa iba't ibang layunin at damdamin ng nagsasalita .
    Ikaw nga! (nagulat)
    Ikaw  nga! (pagalit)
    Ikaw pala. (ordinaryong pagbati)
    Ikaw pala. (walang interes na pagbati)

DIIN (STRESS)

Ginagamit sa gramatikang ito ang dalawang magkahiwalay na bar (/ /) upang maglaman ng notasyong ponemik na sisimbolo sa paraan ng pagbigkas ng isang salita. Ginagamit din ang tuldok I • I upang matukoy ang pantig o silabol ng isang salita na may diin (stress). Ito ay nangangahulugan naman ng pagpapahaba ng pantig na laging may kasamang patinig. Tulad ng sumusunod kung saan may diin at pinahahaba ang pantig na sinusundan I ./:    
Halimbawa:    
 /ha.pon/ bigkas malumanay at may diin sa unang pantig (afternoon)
 /Ha.pon/ bigkas mabilis at may diin sa ikalawang pantig (Japanese)
 /tu:boh/-pipe               
 /tu:bo?/-sprout               
 /tuboh/ -sugar cane               
 /paso?/ -flower pot
 /pa:so?/-burn
 /pasoh/ -expired  

HABA (LENGTH)

Tumutukoy sa haba ng bigkas sa pantinig ng pantig:  haLAman

PUNTO (ACCENT) AT INTONASYON (INTONATION)

Tumutukoy ang punto sa kakaibang pagbigkas ng isang grupo ng mga tao. Halimbawa sa rehiyong Tagalog, iba-iba ang punto ng mga Batangenyo ("Ala e!"), Kabitenyo, taga-Quezon ("Aru!"), Rizal, Bataan, at iba pang nasa Katagalugan.

HINTO (STOP) O ANTALA (JUNCTURE)

Saglit na pagtigil ng pagsasalita upang higit na maging nalinaw ang mensaheng ipinahahayag. Sa pagsulat, sinisimbolo ang antala ng kuwit (,) ang panandaliang paghinto at ang hindi ay sinisimbolo ng tuldok(.) na karaniwang makaikita sa katapusan ng pangungusap.

Sa mga pangungusap sa ibaba, nilalagyan ng isang bar (/) ang isang saglat na paghinto at ng dobleng bar (//) ang katapusan ng pahayag. Mapapansing naiiba ang kahulugan ng pangungusap sa pag-iiba ng hinto sa pangungusap.  

Halimbawa:
Hindi siya si Jose.      Hindi siya si Jose.//   
(He is not Jose)

Hindi, siya si Jose.     Hindi/siya si Jose.//  
(No, He is Jose)

Hindi siya, si Jose.     Hindi siya/ si Jose.//
(Not him, it is Jose)

PALAPANTIGAN

 Bawat pantig ay may patinig (P),kadalasan may kakabit na katinig (K) o mga katinig sa unahan, sa hulihan o sa magkabila.

PORMASYON NG PANTIG

·         P – pantig na binubuo ng patinig lamang (payak): o-o,  a-ko,  a-la-a-la

·         KP – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan (tambal-una): me-sa,  bi-na-ta

·         PK – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa hulihan (tambal-huli): mul-to,  is-la,  pin-to

·         KPK – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan at hulihan (kabilaan): ak-tor

·         Binubuo na may klaster:   KKP (tsi-ne-las);   PKK (eks-tra);   KKPK (plan-tsa);  KPKK (re-port); KKPKK (trans-por-tas-yon)


ALPABETONG FILIPINO

1. ABAKADA
     ( mula kay Lope K. Santos (1940)

Source: ymanjoe

2. ALPABETONG FILIPINO (31 letra)
    ( 1976)

Ipinalabas ng  Department of Education Culture and Sports (DECS) ang Department Memo No. 194 noong On July 30, 1976 na nagsasaad na sisimulan ang paggamit ng nirebisang alpabetong Filipino na mayroong 31 letra upang umangkop sa modernong wikang pambansa, kasama ng 20 letra ng Abakada ang 11 banyagang letra, ang mga ito ay: c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v, x, and z.


3. 1987 ALPABETONG FILIPINO (28 letra)
   











No comments:

WIKA

Ano ang Wika? Bakit mahalaga ang wika? Ano-ano ang katangian at kalikasan ng wika? Paano nagkaroon ng wika? Ayon kay Henry Gleason (1989...