WIKA

Ano ang Wika?
Bakit mahalaga ang wika?
Ano-ano ang katangian at kalikasan ng wika?
Paano nagkaroon ng wika?


Ayon kay Henry Gleason (1989), ang wika ay isang sistematikong balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrary upang magamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura.Ang pag-aaral ng wikang Filipino ay binubuo ng dalawang kakayahan :

Linguistic Competence (kakayahang linggwistika) makabuo ng mga pahayag o pangungusap na may wastong kayariang pambalarila.

• Communicative Competence ( kakayahang komunikatibo)
maunawaan at magamit ang mga pangungusap na may wastong pambalarilang kayarian sa angkop na panlipunang kapaligiran ayon sa hinihingi ng sitwasyon.

Bakit mahalaga ang Wika?

Mahalaga ang wika sapagkat:
  1. ito ay instrumento ng komunikasyon;
  2. ito ay nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman;
  3. ito ay nagbubuklod ng bansa;
  4. ito ay lumilinang ng malikhaing pag-iisip. 

Ano-ano ang katangian at kalikasan ng wika?
  1. May dalawang masistemang balangkas ang wika: balangkas ng tunog at balangkas ng kahulugan.
  2. Ang wika ay arbitraryo.
  3. Ang wika ay sinasalitang tunog.
  4. Ang wika ay pantao.
  5. Ang wika ay buhay at dinamiko.
  6. Ang wika ay natatangi o unique.
  7. Ang wika ay malikhain.
  8. Ang wika ay para sa komunikasyon.
  9. Ang wika ay isang penomenong panlipunan.
  10. Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura ng taong gumagamit nito.

Paano nagkaroon ng wika? Saan ito nagmula?
         Narito ang mga teorya ukol sa pinagmulan ng wika.
  1. TORE NG BABEL (Genesis Kab. 11:1-8)- Iisa lang ang wika noong unang panahon (Aramian) kaya't madali ang pakikipagtalastasan. Naghangad sila na maabot ang langit kaya nagtayo ng pagkataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao kaya pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan at ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na nagkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita.
  2. BOW-WOW. Ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.
  3. DING-DONG. Panggagaya ng tao sa mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid na gawa ng tao at kalikasan.
  4. POOH-POOH. Nalilikha bunga ng masidhing damdamin gaya ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.
  5. YO-HE-HO. Natutong magsalita ang tao bunga ng pwersang pisikal.
  6. TA-RA-RA-BOOM-DE-AY. Nag-ugat sa mga tunog na nalilikha ng mga tao sa kanilang mga ritwal na nilapatan ng kahulugan.
  7. TA-TA. Ang wika ay nagmula sa panggagaya ng dila sa ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon.
  8. YUM-YUM. Nakausal ang tao ng tunog sanhi ng pagkagutom o pagkalam ng sikmura.


Sanggunian:

Belvez, Paz M., et.al (1990). Gamiting Filipino pagbasa at komposisyon : aklat para sa Filipino 1. Manila: Rex 
      Book Store, Inc.

Uiit, Enriqueta C., et. al. (199). Teaching the Elementary School Subjects: Content and Strategies in Teaching 
      the Basic Elementary School Subjects. Manila: Rex Book Store, Inc.



SANGAY NG LINGGWISTIKA

SANGAY NG LINGGWISTIKA



https://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/Ortograpiyang_Pambansa_1.pdf

https://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/Ortograpiyang_Pambansa_2.pdf

https://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/MMP_Full.pdf


PONOLOHIYA

Pag-aaral ng Tunog

Ano ang Ponolohiya?
Ano ang Ponema?
Paano ang pagbigkas ng Patinig?
Paano ang pagbigkas ng Katinig?
Mga Salik sa Pagbigkas
Diptonggo
Klaster
Pares Minimal
Ponemang Malayang Nagpapalitan
Ponemang Suprasegmental
Tono
Diin
Haba
Punto
Hinto
Alpabetong Filipino


PONOLOHIYA O PALATUNUGAN

Pag-aaral ng mga makahulugang tunog na ginagamit sa pagbuo ng mga salita sa isang partikular na wika. Kasangkot dito ang pag-aaral ng mga ponema (phoneme), pagtaas-pagbaba ng mga tinig (pitch), diin (stress),  pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening) at hinto (juncture), 

PONEMA

Pinakamaliit na yunit ng tunog.  Sa wikang Filipino, dalawampu't isa (21) ang ponema. Bawat ponema ay katapat ng isang titik sa ating alpabetong abakada, maliban sa ponemang impit (glotal) na may tumbas na panandang /?/ bilang representasyon.  

Dalawa ang uri ng ponema: ang segmental at ang suprasegmental.

PONEMANG SEGMENTAL
Ang Filipino ay may 21 ponema na binubuo ng: 16 ang katinig, 5 ang patinig.  
Mga Patinig:     i, e, a, o, u
Mga Katinig:     b, d, g. h. k, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y, z

8 Hiram na mga titik:  c, f, j, ñ, q, v, x, z

Makabuluhan ang isang tunog kung nag-iba ang kahulugan ng salitang kinasasamahan nito kapag ito’y alisin o palitan.
Halimbawa:
 [labas `out’: inalis ang /s/ → laba `wash’; pinalitan ang /s/ ng /n/ → laban `fight’].
Ang /s/ ay isang makabuluhang tunog at ito’y tinatawag na ponemang segmental o ponema.
        

PATINIG

Matutukoy sa kung aling bahagi ng dila ang gumaganap sa pagbigkas ng isang patinig.




KATINIG

Punto at Paraan ng Artikulasyon

Pagpapaliwanag ng  punto ng artikulasyon ng mga katinig:

                / p, b, m/. Panlabi – dumidiit ang ibabang labi sa labing itaas …
/ t, d, n /. Pangngipin – dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas ang dulo ng dila …
/ f, v /. Panlabi-Pangngipin – dumidiit ang ibabang labi sa mga itaas na ngipin …
/ s, z, l, r /.  Panggilagid ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid …
/ y /.  Palatal – lumalapit o dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong-dila 
/ k, g, ŋ, w/. Velar – dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng 
                          punong-         dila …
/j/.   Panlalamunan – ang likurang bahagi ng dila ay dumidiit sa lalamunan …
/?,h/.  Glottal – lumalapit o dumidiit ang mga babagtingang pantinig at hinaharang ang presyon                                 ng papalabas na hiningang galing sa baga at pagkatapos ay pakakawalan upang                               bumuo ng  paimpit o pasutsot na tunog… 


TATLONG SALIK SA PAGSASALITA
  1. Enerhiya  (Energy). Nilikhang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga.
  2. Artikulador (Articulator). Nagpapakatal sa mga babagtinga ng pantinig.
  3. Resonador (Resonator). Nagmomodipika ng tunog. Ang bibig at guwang ng ilong ang itinuturing na resonador.


Prinsipal na Sangkap ng Pananalita

DIPTONGGO

Alinmang pagsasama ng isang patinig na sinusundan ng malapitinig na /w/ o /y/ sa loob ng isang pantig. Ang mga diptonggo sa Filipino: -aw, -iw, -ay, -ey, -iy, -0y, -uy      
1.  
(-aw)     ba-yaw 
2.  (-iw)     giliw
3.   (-ay)     bahay 
4.   (-ey)     ale’y 
5.   (-iy)      kami’y        
6.   (-oy)     langoy        
7.    (-uy)    aruy

Tandaan, kapag ang /w/ o /y/ ay nasa gitna ng dalawang patinig ito ay napasasama na sa sumusunod na patinig kaya’t hindi na maituturing na diptonggo.
Halimbawa:kalipayan    
         
Ang ay sa kalipayan ay hindi na maituturing na diptonggo sapagkat ang “ay” nakapagitan na sa dalawang patinig.  Ang pagpapantig sa “kalipayan" ay: /ka-li-pa-yan/ at hindi /ka-li-pay-an/

KLASTER O KAMBAL KATINIG

Magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang patinig. Ang klaster ay maaaring matagpuan sa unahan o inisyal, gitna at sa hulihan o pinal na pusisyon ng salita.

Klaster sa unahan ng salita:

braso, brilyante, bruha, Brazil, blusa, kwaderno, kwarto, kwadra, kwento, kwitis
grasa, gramo, grupo, globo, gripo, planeta, plano, plebisito, pluma, pluta, prutas,                                                       
preno, presyo, pluma, tren, trambya, trumpeta, trumpo

Klaster sa gitna ng salita:

kontrata, kontrabida, kongreso konstruksyon, kumpleto,
eskwela, eskriba, makrema, plantsa, sakripisyo, sobre

Klaster sa hulihan ng salita:
kard, planelbord, iskawt, nars, plaslayt, blakawt, beysment, kyuteks, klerk, tsart



PARES MINIMAL

Pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad namagkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon.

Hal. pala–bala 
        pana –mana 
        patas- batas

PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN

Magkaibang ponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nagpapabago sa kahulugan ng mga salita.     
Halimbawa:    
     lalaki - lalake          
     noon – nuon
     politika - pulitika
     totoo – tutoo          
      

PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Tumutukoy ang mga ponemang suprasegmental sa mga makahulugang yunit ng tunog na karaniwang di tinutumbasan ng titik o letra sa pagsulat. Kabilang sa mga ponemang suprasegmental angg tono (pitch), haba (length), diin (stress), at antala (juncture).

TONO (PITCH)

Paraan ng pagbigkas na maaaring malambing, pagalit, mabilis na parang nagmamada li, mahina at iba pa. Naiiba-iba ang tono o pagtaas at pagbaba ng tinig sa wikang Filipino batay sa iba't ibang layunin at damdamin ng nagsasalita .
    Ikaw nga! (nagulat)
    Ikaw  nga! (pagalit)
    Ikaw pala. (ordinaryong pagbati)
    Ikaw pala. (walang interes na pagbati)

DIIN (STRESS)

Ginagamit sa gramatikang ito ang dalawang magkahiwalay na bar (/ /) upang maglaman ng notasyong ponemik na sisimbolo sa paraan ng pagbigkas ng isang salita. Ginagamit din ang tuldok I • I upang matukoy ang pantig o silabol ng isang salita na may diin (stress). Ito ay nangangahulugan naman ng pagpapahaba ng pantig na laging may kasamang patinig. Tulad ng sumusunod kung saan may diin at pinahahaba ang pantig na sinusundan I ./:    
Halimbawa:    
 /ha.pon/ bigkas malumanay at may diin sa unang pantig (afternoon)
 /Ha.pon/ bigkas mabilis at may diin sa ikalawang pantig (Japanese)
 /tu:boh/-pipe               
 /tu:bo?/-sprout               
 /tuboh/ -sugar cane               
 /paso?/ -flower pot
 /pa:so?/-burn
 /pasoh/ -expired  

HABA (LENGTH)

Tumutukoy sa haba ng bigkas sa pantinig ng pantig:  haLAman

PUNTO (ACCENT) AT INTONASYON (INTONATION)

Tumutukoy ang punto sa kakaibang pagbigkas ng isang grupo ng mga tao. Halimbawa sa rehiyong Tagalog, iba-iba ang punto ng mga Batangenyo ("Ala e!"), Kabitenyo, taga-Quezon ("Aru!"), Rizal, Bataan, at iba pang nasa Katagalugan.

HINTO (STOP) O ANTALA (JUNCTURE)

Saglit na pagtigil ng pagsasalita upang higit na maging nalinaw ang mensaheng ipinahahayag. Sa pagsulat, sinisimbolo ang antala ng kuwit (,) ang panandaliang paghinto at ang hindi ay sinisimbolo ng tuldok(.) na karaniwang makaikita sa katapusan ng pangungusap.

Sa mga pangungusap sa ibaba, nilalagyan ng isang bar (/) ang isang saglat na paghinto at ng dobleng bar (//) ang katapusan ng pahayag. Mapapansing naiiba ang kahulugan ng pangungusap sa pag-iiba ng hinto sa pangungusap.  

Halimbawa:
Hindi siya si Jose.      Hindi siya si Jose.//   
(He is not Jose)

Hindi, siya si Jose.     Hindi/siya si Jose.//  
(No, He is Jose)

Hindi siya, si Jose.     Hindi siya/ si Jose.//
(Not him, it is Jose)

PALAPANTIGAN

 Bawat pantig ay may patinig (P),kadalasan may kakabit na katinig (K) o mga katinig sa unahan, sa hulihan o sa magkabila.

PORMASYON NG PANTIG

·         P – pantig na binubuo ng patinig lamang (payak): o-o,  a-ko,  a-la-a-la

·         KP – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan (tambal-una): me-sa,  bi-na-ta

·         PK – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa hulihan (tambal-huli): mul-to,  is-la,  pin-to

·         KPK – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa unahan at hulihan (kabilaan): ak-tor

·         Binubuo na may klaster:   KKP (tsi-ne-las);   PKK (eks-tra);   KKPK (plan-tsa);  KPKK (re-port); KKPKK (trans-por-tas-yon)


ALPABETONG FILIPINO

1. ABAKADA
     ( mula kay Lope K. Santos (1940)

Source: ymanjoe

2. ALPABETONG FILIPINO (31 letra)
    ( 1976)

Ipinalabas ng  Department of Education Culture and Sports (DECS) ang Department Memo No. 194 noong On July 30, 1976 na nagsasaad na sisimulan ang paggamit ng nirebisang alpabetong Filipino na mayroong 31 letra upang umangkop sa modernong wikang pambansa, kasama ng 20 letra ng Abakada ang 11 banyagang letra, ang mga ito ay: c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v, x, and z.


3. 1987 ALPABETONG FILIPINO (28 letra)
   











MORPOLOHIYA

Morpolohiya.  Makaagham na pag-aaral ng mga morpema o makabuluhang yunit ng mga salita.

morpema. Pinakamaliit na yunit ng isang salita na may angking kahulugan. May tatlong uri ng morpema: 

 Uri ng Morpema sa Wikang Filipino

 1. Morpemang Ponema - /a/ at /o/. 

            Kung nagbabago ang kahulugan (kasarian) dahil sa pagdagdag ng ponemang /a/ o kontradiksyon ng /o/ sa /a/, ang /a/ o /o/ ay itinuturing na ponema.                      

    Halimbawa:     Gobernador - Gobernadora                                                     

                               Konsehal - Konsehala      

 

2. Morpemang Salitang-Ugat.  Payak na anyo ng isang salita at wala itong panlapi

    Halimbawa:       indak                                       sulat                                        sipag

                               sayaw                                      ganda                                       bata                 

 

3. Morpemang Panlapi.  Uri ng morpema na idinurugtong sa salitang-ugat na maaring 

     makapagpabago g kahulugan ng salita. Kilala rin  ang morpemang panlapi bilang 

      di-malayang morpema.

·   Nagtataglay ng sariling kahulugan. maaring ikabit sa mga  pangngalan-panlaping 

   makangalan;

·   sa pandiwa- panlaping makadiwa at sa pang-uri ay tinatawag itong panlaping makauri.

·   Bagamat’t may kahulugan, hindi makikita ang tiyak  na taglay na kahulugan hangga’t 

   hindi naisasama  sa isang salita.



Kayarian ng mga Salita

 

1. PAYAK - ang salita ay payak kung ito ay salitang- ugat lamang, walang panlapi at walang  

    katambal na ibang salita.                       

     Halimbawa:     ina             bata                  anak                 ama           kapatid              sulat

 

2. Maylapi - sa pagkakapit ng iba’t ibang uri ng panlapi sa isang salitang-ugat, nakabubuo ng  

    iba’t ibang salita na may kani- kaniyang kahulugan (Ampil,Mendoza& Breva, 2010)


            Ang salita ay binubuo ng salitang-ugat at mga panlapi. Ang mga panlapi ay mga katagang idinaragdag sa unahan, sa gitna, o sa hulihan ng mga salitang-ugat.

 

            May ibat’ibang uri ng mga panlapi: Unlapi, Gitlapi at Hulapi


      Halimbawa: 

                        1. Ma- + tubig = matubig (maraming tubig)                                 

                           Pa- + tubig = patubig (padaloy ng tubig)                         

                        2. Tubig + -an = tubigan (lagyan ng tubig)

                           Tubig + -in = tubigin (pinarusahan sa tubig)

                            Lakad + -um- = lumalakad

                             Sagot + -in- = Sinagot

 

3. Inuulit - Inuulit ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito - may dalawang  uri,  ang “pag-uulit na:  Ganap at Di-ganap


            a) Pag-uulit na Ganap - inuulit ang salitang-ugat

                        Hal.      taon = taon- taon

                                    bahay=bahay-bahay     

                                    araw= araw-araw

 

            b) Pag-uulit na Parsyal o Di-ganap - kapag ang bahagi lamang ng salitang-ugat ang

                inuulit.

          

                         Hal.      usok= uusok     

                                    balita=bali-balita           

                                    tahimik=tahi-tahimik     

 

            c) Magkahalong Parsyal at Ganap - kapag ito ay nilalapian at inuulit nang buo ang 

                salitang-ugat.

                        Hal.      Sigla= masigla-sigla                  

                                    Saya= masaya-saya

 

4. Tambalan - dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita. May dalawang uri 

      ng tambalan:  ang tambalang ganap at di-ganap

     Halimbawa:    


            a.Tambalang Di-ganap - Nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal:

      bahay-kubo → bahay = tirahan ng tao    

                        → kubo   = maliit na bahay 

 

            b. Tambalang Ganap - ang dalawang salitang pinagtambal ay nakabubuo ng ikatlong 

                kahulugang iba kaysa isinasaad ng mga salitang pinagsama.  


      basag  + ulo    basagulo `altercation’, `quarrel’

      hampas + lupa  → hampaslupa `vagabond’, `bum’

 

 MORPEMANG LEKSIKAL AT PANGKAYARIAN 

Morpemang Leksikal -   May tiyak na kahulugan at kabilang dito ang mga pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri at pang- abay. 

Morpemang Pangkayarian- Walang tiyak na kahulugan at kailangang makita sa isang kayarian o konteksto ang mga ito upang magkaroon ng kahulugan. 

Halimbawa • Naghihintay nang pagkatagal-tagal si Pedro sa kanyang mga kaklase. 

– Ang nang, si, sa at mga ay walang tiyak na kahulugan subalit ito ay nag-uugnay sa mga morpemang leksikal na Pedro, kaklase, naghihintay at pagkatagal-tagal upang magkaroon ng kahulugan ang pangungusap. 

Halimabawa • Naghihintay nang pagkatagal-tagal ang mga kaklase ni Pedro. –

Nagbago ang kahulugan ng pangungusap. Sa unang pangungusap, Si Pedro ang naperwisyo samantalang sa pangalawang pangungusap, ang kanyang mga kaklase ang naperwisyo. 


BAHAGI NG PANANALITA

Ang tinaguriang “Ama ng Balarilang Tagalog” na si Lope K. Santos  na bumuo ng  aklat na Balarila ng Wikang Pambansa (1939;1944) na kilala rin sa tawag na Balarilang Tagalog at Matandang Balarila ay may sampung bahagi ng pananalita. Ang mga ito ay pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pantukoy, pangatnig, pang-ukol, pang-angkop at pandamdam. Nasimulan itong ituro sa mga paaralan sa Pilipinas noong 1940 matapos maipahayag ng dating Pang. Manuel Quezon ang Tagalog bilang siyang saligan ng wikang pambansa.

Sa aklat naman na Makabagong Balarilang Filipino (1977;2003) nina Alfonso O. Santiago at Norma G. Tiangco. Sa aklat na ito'y napapangkat ang may sampung bahagi ng pananalita sa ganitong pamamaraan:

I. Mga Salitang Pangnilalaman (Content Word)

A. Mga Nominal 

    1. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian,                  pangyayari, atbp.

    2. Panghalip (pronoun) - mga salitáng pánghalilí sa pangngalan.


B. Salitang Kilos

    3. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng   mga salita.

B. Mga Panuring (Modifier) 

    4. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip


    5. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa 
         nito pang-abay


II. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)

A. Mga Pang-ugnay (Connectives) 

    6. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay

    7Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan

    8. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang 

    salita


B. Mga Pananda (Markers) 

    9. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip.

    10. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang nagkakawing ng paksa 

        (o simuno) at  panaguri.


Ang Pandamdam (interjection; mga salitang nagsasaad ng matinding damdamin) ay hindi na isinama sapagkat ayon sa mga may-akda ng Makabagong Balarila ay maaaring magamit bilang pandamdam ang kahit anong salita kung bibigkasin nga ng may matinding damdamin.

Ang Balarilang Ingles ay may walong tradisyunal na bahagi ng pananalita bagama't higit pa itong nahahati sa iba't ibang kaurian sang-ayon na rin sa mga pag-aaral ng mga kasalukuyang lingguwistiko. Ang mga ito ay ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pangatnig, pang-ukol at pandamdam.


 URI NG PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO


PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO. Anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng katabing ponemang (panlapi). Ang mga nakaiimpluwensyang ponema ay maaring yaong sinusundan ng morpema o yaong sumusunod dito. Halimbawa : [pang-] + paaralan = pampaaralan

 ALOMORP ng Morpema. Puwedeng magbago ng anyo ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng kaligiran at ito’y tinatawag na alomorph.


·      Ang morpemang [pang-] ay may tatlong alomorph:  [pang-], [pam-] at [pan-].  

     May sariling distribusyon ang bawat alomorph.


·      Ginagamit ang alomorph na [pang-] (walang pagbabago sa anyo) kung ang inuunlapiang salita ay nagsisimula sa mga patinig o sa katinig, maliban sa  /b/ o /p/ na para [pam-],  at /d, l, r, s. t/ para sa [pan-]:


          [pang-] + a, e, i, o, u, k, g, h, m, n, w at y                              

         pangwalis          

        pangkasal      

         pang-alis 


          [pam-]+p/b                     

      pampito                                                                                                       

      pambansa                                                            

 

       [pan-]+ d/l/r/s/t

        pandikit    

        pantaksi 


·      Tulad ng [pang-], ang panlaping [mang-] ay may mga alomorph ding [mang-], [mam-] at [man-] gayundin ang  [sing-]:      


    mambola      manghabol        manlalaro          mamula         mang-akit       mandaya           


    simbilis          singyaman        sinlaki               simputi          sing-alat           

 

1. ASIMILASYON • Sakop ng uring ito ang mga pagbabagong nagaganap sa /ng/ sa posisyong 

    pinal dahil sa  impluwensya ng ponemang kasunod nito.

 

     Uri ng Asimilasyon:

     ASIMILASYONG PARSYAL O DI GANAP – pagbabago sa unang morpema

     Halimbawa:  pang + bansa = pambansa       

                         sing + bait = simbait                

                         mang + batas = mambabatas

 

    ASIMILASYONG GANAP – Pagbabago ng kapwa panlapi at salitang ugat.

 

    Halimbawa:   mang- + tahi = mantahi   =  manahi         

                        pang-  + palo = pampalo  = pamalo          

                        pang- + takot = pantakot = panakot

 

2. MAYPALIT.  Kapag ang (d) ay nasa pagitan ng dalawang patinig kaya ito'y pinapalitan ng 

     ponemang r.

                           /d/> /r/     

                           /h/>/n/     

                           /o/>/u/

 

     Halimbawa:       ma- + damot = madamot = maramot      

                             ma- + dunong = madunong = marunong

 

3.  METATESIS • pagpapalit ng posisiyon ng panlaping /-in / kapag ang kasunod na ponema ay 

     ang mga ponemang (l,y,r) 

     Halimbawa:              -in- + regalo + -han = rinegaluhan = niregaluhan

                                   

                                    -in- + lipad = linipad =nilipad                             

 

                                    -in- + yakap= yinakap =niyakap         

 

4. PAGLILIPAT-DIIN • kapag ang salitang-ugat ay nilalagyan ng panlapi,

                                     ito ay nagbabago. Nalilipat ang diin.       

 

      Halimbawa:              laro + -an = laruan                    

                                     dugo + -an = duguan

 

 

5.  MAYKALTAS • mayroong pagkakaltas o pagtatangal ng ponema.

       Halimbawa:             takip + -an = takipan =  takpan   

                                    sara + -han = sarahan = sarhan  

                                    laba+ -han = labahan = labhan    

                                    dala+ -hin = dalahin =dalhin

 6.  MAYSUDLONG pagdaragdag ng isa pang hulapi  kahit na mayroon nang inilagay na hulapi                             sa isang salitang-ugat. May pagkakaltas na nagaganap.

        Halimbawa:      totoo + han > totoohan+ an = totohanan

                               alaala+ han alaalahan + in = alalahanin         

 7. MAY PAG-AANGKOP.  Pag-iisa ng dalawang salita o pagsasama ng dalawang salita at           at nagpapahayag  ng kabuuang diwa ng dalawang salita. May pagkakaltas.

            Hal.      tingnan+ mo = ta’mo                         

                        hintay + ka   = tayka = ‘teka

 

 

 


WIKA

Ano ang Wika? Bakit mahalaga ang wika? Ano-ano ang katangian at kalikasan ng wika? Paano nagkaroon ng wika? Ayon kay Henry Gleason (1989...